Dahil inisnab, nurse sinapak ng tatay ng pasyente

DAHIL sa hindi pag-aksyon sa tungkulin, isang lalaking nurse ang sinapok ng tatay ng isang pasyente na agaw-buhay sa ospital sa San Carlos City, Martes ng umaga.

Depensa ng suspek na si Tereto Catunggal, 46-anyos at residente ng Malasigue, Pangasinan, nagdilim ang kanyang paningin kaya nasuntok niya ang biktima na nakilala lamang na Mark Anthony, isang male nurse ng Pangasinan Provincial Hospital (PPH).

Hindi naman magsasampa ng kaukulang kaso si Mark Anthony at bagkus ay inunawa na lamang ang pagsambulat ng galit ng suspek.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng umaga sa mismong emergency section ng PPH sa San Carlos City.

Isinugod sa naturang pagamutan ng suspek ang kanyang anak na agaw-buhay dahil sa tetanus.

Ayon kay Catunggal tatlong ulit siyang hindi pinansin ni Mark Anthony kaya sa bugso ng damdamin ay nasuntok niya sa mukha ang naturang nurse.

Sa kabila naman nito, iimbestigahan ng pamunuan ng PPH ang naturang insidente bilang bahagi ng kanilang standard operating procedure at para turuan ng leksyon ang kanilang nurse na si Mark Anthony.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply