Dahil sa Facebook, rapist ng dalagita natiklo ng BF

crime7

DAHIL sa ganda ng larawang naka-post sa Facebook kaya nahuli ang 34-anyos na opisyal ng isang networking firm kaugnay sa warrant of arrest na inisyu laban sa kanya ng Daet Regional Trial Court, Branch 40 hinggil sa reklamong kidnapping and illegal detention with rape sa kanyang 16-anyos na pamangkin.

Kanina ay iniharap kay Manila Mayor Alfredo S. Lim ang akusadong si Bertrand Esplana, na nagsabing siya ay vice-president ng networking company na City Land sa Pasig at hindi niya umano magagawa ang akusasyon ng sariling pamangkin na itinago sa pangalang ‘Grace”,  sinasabing dinukot, ikinulong at ginahasa ng apat na beses, may 5 buwan na ang nakalilipas, sa nasabing lalawigan.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspek nang magpadala ng email kay Lim ang isang Mark Gherson Galarion, boyfriend ng biktima, para tulungan na madakip ang suspek.

Agad na inatasan ni Lim si ret. Colonel Franklin Gacutan, hepe ng Mayor’s Complaint and Action team (MCAT)  na makipag-ugnayan kay Galarion at nang planuhin ang entrapment kahapon dakong alas 6:50 ng gabi, sa SM Manila, tapat ng National Bookstore ay dinakma na ang suspek.

Ani Gacutan, inalis na ng suspek ang kaniyang Facebook account  subalit nang matunugan ni Galarion na gumagamit ng ibang account ay  gumawa din ito ng account na nagkunwaring babae at isang magandang babae ang kaniyang inilagay sa profile picture bago nakipagkaibigan sa suspek.

Sa pag-aakala ng suspek  na may bago siyang bibiktimahin, nakipagkasundong makipag-eye ball sa Robinsons Galleria na sa huli ay pinilit ni Galarion na sa SM-Manila kung saan siya nabuslo.

Nakatakdang i-turn-over ang suspek sa Daet, Bicol para sa paglilitis.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply