Dalaga bantang papatayin, binata kulong

crazy

SWAK sa kulungan ang isang binata matapos pagbantaang papatayin ang dalagang masama umanong tumingin sa Caloocan City Linggo ng umaga, Enero 20.

Nahaharap sa kasong grave threat si Rommel Bobier, 23 ng Kanduli St., nasabing lungsod.

Sa pahayag ng biktimang si Lucky Macapagal, 22, alas-7:30 ng umaga, nakasalubong niya sa paglalakad ang suspek sa Kapak St., at natitigan ng una.

Biglang nilapitan ng suspek ang biktima sabay sabing “ang sama mong tumingin, gusto mo patayin kita”, sabay pakita ng patalim na nakasukbit sa beywang.

Hindi naman nakagalaw ang biktima hanggang sa iwan ng suspek at nang mahimasmasan ang una ay nagsumbong sa mga barangay tanod.

Agad na hinanap ng mga tanod ang suspek at nang makita ay dinakip subalit wala na ang patalim sa beywang nito.

Dinala pa rin sa presinto ang suspek at sinampahan ng nasabing kaso.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply