Dalaga lumaklak ng lason, tigbak

bangkay-4

TIGOK ang isang dalaga matapos lumaklak ng lason kaninang hating gabi Enero 17 sa loob ng kanilang bahay sa Northbay Boulevard South, Navotas City.

Dead in arrival sa Tondo Medical Center si Carlota Aure y Claudio, 26, ng Block 31 Lot 92 Area 2, Dagat Dagatan ng lunsod sanhi ng pag-inom ng silver cleaner.

Base sa imbestigasyon ni P02 Exequel Sanco ng Station Investgation Unit (SIU) ng Navotas pulis, dakong alas 12:10 ng hating gabi ng naganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay sa nasabing barangay.

Nauna rito, nakipag-inuman muna ang biktima sa kanyang pinsan na si Abygail Norales Aure, 27. Sa gitna ng inuman, nagpunta muna sa banyo ang biktima at pagbalik ay bigla na lamang natumba at bumubula na ang bibig kaya agad isinugod sa ospital,

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, isang bote ng silver cleaning solution na wala ng laman ang natagpuan.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung may mabigat na problema ang dalaga kaya sadyang nagpatiwakal.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply