Dalagita hinalay ng bf ng ina

rape

ISANG dalagita ang dalawang beses hinalay ng kasintahan ng kanyang ina sa bayan ng Calasiao sa Pangasinan.

Nabatid na unang ginahasa ang biktimang 15-anyos ng kasintahan ng kanyang ina na si Elisito Idos, 53, noong Setyembre at nasundan noong buwan ng Oktubre, 2012 matapos siyang ihatid ng suspek patungong Maynila para magpamedikal.

Dahil dito, desidido ang ina ng dalagita na sampahan ng kaso ang suspek upang mabigyan ng hustisya ang kanyang anak na kasalukuyan nang tumigil sa pag-aaral dahil sa trumang sinapit.

Kasalukuyan namang nasa pangangalaga ng Municipal Social Welfare Office ang biktima at isinasailalim sa counseling.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply