Dalagita nahulihan ng marijuana, dinampot

dswd-logo

LA UNION – Dinampot ng mga awtoridad ang isang 14-anyos na dalagita matapos mahulihan ng pinatuyong dahon ng marijuana sa Ancheta St., Barangay Catbangen, San Fernando, La Union, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang suspek na si Annie (hindi tunay na pangalan), 2nd year high school student sa La Union National High School (LUNHS)

Sa ulat, isinumbong si Annie ng kanyang dalawang kaklase na nakakita na may dala siyang marijuana.

Agad naman nagtungo ang mga pulis malapit sa naturang paaralan at hinarang si Annie bago ito pumasok sa paaralan.

Nang inspeksyunin ang bag ng dalagita, nakakita ang mga police ng heat sealed sachet na may lamang marijuana, isang lighter at cigarette foil.

Sa kasalukuyan, nasa pangangalaga na ng lokal na Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang dalagita.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply