Dalagita sinaksak ng kaeskuwela

emergency-2

NAGTAMO ng mga sugat sa katawan ang isang dalaginding makaraang pagsasaksakin ito ng kaeskuwela sa Diffun High School sa Quirino Province.

Nabatid na tatlong ulit na sinaksak ng 14-anyos na suspek at residente ng Barangay Andres Bonifacio, ang kanyang kaeskuwelang si Amelona Cariaso, residente ng Barangay Gulac.

Base sa pahayag ni SPO1 Rommel Elegado, papalabas na sana ng paaralan ang dalawa ngunit habang pauwi na ang mga ito ay biglang nagtalo na nauwi sa pagkakainitan ng ulo.

Hinabol ng bato ng biktima ang suspek kung kaya lalong nagalit ito at sinaksak ang kamag-aral.

Kasalukuyang nasa ligtas na kondisyon na ang biktima habang nasa kustodiya ng Provincial Social Welfare and Development ang menor de edad na suspek.

Nabatid na isasailalim din sa counseling ang biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply