Dapat daw tayong malugmok sa kahirapan

by the square

NGAYON ko lang rektang narinig mula sa isang prinsipe ng Simbahang Romano Katoliko na ang pagiging alila natin sa ibang bayan at palahian ng mga dayuhan ay bahagi pala ng plano ng Panginoon. Hindi ko naisip na ang labis na kahirapan ay isa palang paraan upang maipakalat ang mabuting balita sa mundo.

Ito ang nakagigilalas na mensahe sa ating lahat ni Gilbert Garcera, isang Romano Katolikong obispo na nakabase sa Daet, Camarines Norte. Ganito katindi pala ang kaalaman ni Garcera sa hermeneutics, ang sining at agham ng pagtuklas ng ibig sabihin ng texto ng pananampalatayang Kristyano.

Paliwanag ni Garcera, poverty even brought people “closer” to God and was instrumental in realizing God’s plan for Filipinos to take care of other nationalities by inducing migration and working abroad. Idiniin pa niya na the huge Philippine population could be part of “God’s plan for Filipinos to be caregivers to ageing nations whose populations had become stagnant….many Filipino women would make “good wives” for foreigners in countries that have low population growth.

Malinaw para sa kanya na ang kahirapan at walang ampat na paglago ng ating populasyon ay bahagi ng mabuting balita. Sa madaling salita hindi tayo dapat magsumikap pa para makaahon sa kahirapan o solusyunan ang problema sa populasyon sapagkat lalabag tayo sa kagustuhan ng kanyang Diyos.

Bagkus dapat tayong lalong maghirap at maging puspos ng kasalatan para mas marami sa atin ang mangibang bayan at maging PT o Punas Tae at palahian.

Bilang isa sa haligi ng kanyang simbahan ay nakalulungkot na walang ibang nakitang paraan ang obispong ito para maiparating ang magandang balita ni Hesus sa mundo maliban sa ating patuloy na pagiging lugmok sa kahirapan. Sayang ang kanyang talino sapagkat kung susundin natin siya ay lalabas na kasalanan pala ang umahon sa kahirapan at magkaroon ng maginhawang buhay.

* * *
Kung ibig ninyong maligo sa hot spring pumunta kayo sa Infinity Resort, Indigo Bay Subdivision, barangay Bagong Kalsada, Lungsod ng Calamba. Malapit lamang sa Kalakhang Maynila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Tawagan ninyo si Gene Lorenzo sa 09063555560 para sa karagdagang impormasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply