Dating seminarista, nanalo sa lotto

lotto-winner

SOLONG napanalunan ng isang dating seminarista ang mahigit P55 milyong jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto kung saan personal nitong kinubra kahapon ang kanyang premyo sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.

Iniabot mismo ni PCSO General Manager Jose Ferdinand Rojas II sa 29-anyos na binatang naninirahan sa Alabang, Muntinlupa City ang tsekeng may kabuuang halagang P55,536,805.80 matapos solong makuha ang mga kombinasyong 45-19-27-29-06-34 ng 6/45 Mega Lotto na binola noong Enero 25, 2013.

Nakuha ng dating seminarista ang mga tinayaang numero mula sa petsa ng kapanganakan ng kanyang mga pamangkin na kanyang tinayaan ng P20.

Tiniyak naman ng dating seminarista na hindi niya kakalimutan magkaloob ng donasyon sa simbahan at sa charity institution at plano rin niyang makumpuni muna ang luma nilang bahay bago siya magtayo ng kanyang negosyo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply