Davao del Sur, niyanig ng magnitude 5.3 quake – Phivolcs

earthquake-drilll

NIYANIG ng magnitude 5.3 na lindol ang ilang bahagi ng Davao del Sur sa rehiyon ng Mindanao.

Ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), nakaramdam ng pag-uga ang natuyrang lugar kaninang ala-1:31 ng madaling araw.

Natukoy ang epicenter nito sa (05.35°N, 127.04°E) 168 kilometro saTimog silangan ng Jose Abad Santos, Trinidad, Davao del Sur.

May lalim itong 80 kilometro at natukoy na tectonic ang pinanggalingan.

Wala namang naiulat na malaking pinsala dahil sa tubig tumama ang sentro ng pagyanig.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply