Davao Oriental, ComVal hahagupitin ng bagyong Auring

PAGASA-DOST

KUNG hindi mag-iiba ng direksyon, bukas ng umaga inaasahan na tatama sa kalupaan ng timog-silangan ng Mindanao ang isang low pressure area (LPA) na binabantayan ng mga weather state forecaster.

Dahil dito, nagbabala agad ngayon ang Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services Administration (PAGASA) na makararanas ng moderate to heavy (2.0-10.mm) rainful ang lalawigan ng Davao Oriental at Compostela Valley.

Ayon sa weather bureau, inaasahan din ang posibleng pagbaha at landslides sa mga apektadong lugar dahil sa naturang mga pag-ulan.

Maalala na ang nasabing mga lalawigan ay siyang grabeng sinalanta ng bagyong Pablo noong Disyembre 2012, na mahigit sa 1,000 katao ang naitalang patay.

Ang naturang sama ng panahon ay huling namataan sa layong 790 kilometro sa silangan ng Mindanao.

Ayon kay weather forecaster Aldczar Aurelio, may posibilidad pa rin na maging bagyo ito habang nanatili sa ibabaw ng karagatan.

Kung maging ganap mang bagyo, bukod sa ito ay tatawaging tropical depression Auring hahagupitin nito ang dalawang nabanggit na lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply