De Lima kay Marantan: Imbestigasyon, harapin

PINAYUHAN ni Justice Secretary Liela de Lima si P/Supt. Hansel Marantan na harapin na ang imbestigasyon kaugnay sa Atimonan shootout kaysa silipin pa ang umano’y panghihimasok ng kalihim sa isinasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ginawa ni de Lima ang pahayag matapos nabatikusin ng kampo  ni Marantan at abugado ng mga sundalo na sangkot sa insidente ang pahayag ni de Lima na walang shootout na naganap.

Magugunitang nitong nakaraang Huwebes ay pinangunahan ni de Lima ang re-enactment ng mga ahente ng NBI sa crime scene.

Giit ni de Lima, walang masama sa pagsama niya sa crime scene at sa pahayag niya, dahil ang NBI ay nasa ilalim ng Department of Justice (DOJ) at hindi na ito dapat na maging isyu pa.

“I don’t think that should be an issue anymore,” De Lima said. “Did I violate a policy? Did I violate a regulation? And then more importantly, isn’t the NBI under the DOJ? The NBI is a constituent agency of the DOJ. It’s not just an attached agency so anytime that I feel like monitoring or personally supervising any of this constituent agency, NBI, Bureau of Correction, Bureau of Immigration, its my prerogative to do so. Nothing wrong with that,”  ani de Lima.

Nauna nang binalaan ni de Lima si Marantan na kakasuhan ng obstruction of justice kung hindi makikipagtulungan sa imbestigasyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply