Report sa Atimonan incident matatapos na – De Lima

leila de lima

SA LALONG madaling panahon ay matatapos na ang report ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Atimonan, Quezon incident kung saan 13 ang namatay. ito ang tiniyak ni Justice Secretary Leila de Lima.

Kaugnay nito, umapela si De Lima sa publiko na na huwag silang i-pressure na tapusin agad ang nasabing report.

Ipinaliwanag ng kalihim na maging si Pangulong Benigno Aquino III ay hindi sila minamadali at binigyan pa sila ng sapat na panahon para mapag-aralan ang mga detalyeng nakalap ng NBI.

Kinumpirma naman ni NBI Director Nonatus Rojas, na sila ay nasa finishing touches ng paggawa ng report.

Nilinaw ni Rojas na ilang aspeto ng imbestigasyon ang nakapagpapatagal katulad na lamang ng ballistic examination sa mga armas na ginamit sa checkpoint.

Matatandaan na 13 katao ang namatay sa nasabing checkpoint sa Atimonan, Quezon, na batay sa pahayag ilang mga testigo ay wala umanong naganap na shootout.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply