Debate sa FOI sa Kamara, titindi pa

foi1

INAASAHANG magiging dikdikan na ang debate sa Kamara para sa Freedom of Information bill sa pagpapabalik ng sesyon sa bukas, Lunes, January 21.

Ito ang tiniyak ni Eastern Samar Rep. Ben Evardone, chairman ng House Committee on Public Information.

“Nakahanda ako na mag-depensa. In general, hopefully, walang gaanong mainit na discussion sa bill na ito. Pero inaasahan ko na dikdikan ang debate sa period of amendments. Ang biggest problem is quorum. Wag sanang gamitin ang isyu ng quorum. Ako ipapasa yan, may salita na ang ating speaker. Malaking fear ko lang yong quorum,” ani Evardone.

Ngunit ang magiging problema lamang, aniya, ay ang kawalan ng korum kung kaya nanawagan na siya sa mga kasamahang kongresista na daluhan ang mga nalalabing sesyon ng Kongreso.

“Yong mga against baka gamitin nila yan. Sana sa mga kasamahan ko sa Kongreso. Wag pabayaan ang natitirang session days. Tungkulin namin yan na mag-attend ng session at sumali sa mga debate.”

Ani Evardone, bagama’t nagsisimula ng mangampanya ang ilan sa sa kaniyang mga kasamahang mambabatas ay kailangan aniyang dumalo pa rin ang mga ito sa sesyon na katungkulan naman bilang isang kongresista.

“Nasa political season na tayo, pero nahalal tayong deputado kaya dapat tumupad tayo ng tungkulin. Bottom line ay obligasyon natin na mag attend ng session, sumali sa debate at tumalakay ng panukalang batas,” ayon pa rin sa kongresista.

Malaki ang kumpiyansa ni Evardone na kikilos ang liderato ng Kamara upang makumpirma ang korum nang sa gayun ay malatakay ang FOI gaya ng pagkakaroon ng text brigade.

“Oo gusto ko mapagbotohan. Kahit anong outcome, madesisyunan lang. Yong right of reply, pag pinilit ipasok, ire-reject ko pag may nag-object, magbobotohan. Depende na sa mga kasamahan natin. Kung mayorya ay pumabor sa ROR proposal, matatalo ang rejection ko,” paliwanag ni Evardone.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply