Deboto ng Señior Sto.Niño dumagsa sa kapistahan ng Tondo

sto-nino

DAANG-DAANG deboto ng Senior Sto.Nino ang nakiisa sa prusisyon ngayong araw sa Tondo, Maynila.

Bago ang prusisyon ay nagkaroon muna ng isang banal na misa na pinangunahan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Simbahan ng Tondo.

Dumagsa naman ang mga imahe ng Sto.Nino na bitbit naman ng daang-dang deboto at ang iba naman ay sakay naman ng karosa na pinalibutan ng mga bulaklak.

Kaugnay sa kapistahan ng Sto.Nino, nagpakalat naman ang Manila Police District ng maraming pulis para matiyak ang seguridad sa kapistahan.

Bukod dito, nagpatupad din ng liquor ban sa lugar hanggang alas 8:00 ng umaga bukas .

Kasabay ding nagdiriwang ng Kapistahan ng Sto.Nino ang Cebu, Kalibo sa Aklan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply