Del Rosario sa NDRRMC, kuryente lang

sec-edwin-lacierda

KURYENTE lang ang ulat na pinalitan na ni retired Maj. Gen. Eduardo del Rosario si National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) executive director Benito Ramos.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, bagama’t ipinadala na ni Defense Secretary Voltaire Gazmin ang resignation letter ni Ramos sa tanggapan ni Pangulong Benigno Aquino III ay wala pang desisyon ang Chief Executive dito.

“This is the third time that he has tendered his resignation owing to the fact that his wife is suffering from diabetes and has, I understand, some complications already. The President, in that meeting, never categorically stated that he was accepting the resignation but he seemed to be inclined to do so. But we have not received any word yet. The situation right now is that Secretary Gazmin has accepted the resignation. He forwarded it to the President for (his approval). Remember that the President was the one who appointed Usec. Ramos and, therefore, it requires the acceptance of the appointing authority,” ani Sec. Lacierda.

Sinabi ni Sec. Lacierda na sakali at tanggapin nga ni Pangulong Aquino ang resignation letter ni Ramos ay mayroon naman itong listahan ng mga recommendees sa puwestong iiwanan ni Ramos epektibo Pebrero 1.

“So, we still have to wait. If it will be accepted, we will have to wait for the next appointee,” ani Sec. Lacierda.

Walang ideya si Sec. Lacierda kung tinanggap na nga ni Pangulong Aquino ang resignation letter ni Ramos.

“Kung sakaling tinanggap na ‘yung resignation, hindi pa nag-a-appoint si Pangulong Aquino kung sino ang papalit kay Usec. Ramos. So hindi pwedeng magkaroon ng turnover without a valid appointment from the appointing authority ,” diing pahayag ni Lacierda.

Wala namang alam si Pangulong Aquino kung ano ang mga kuwalipikasyon na posibleng pumalit kay Ramos.

“Hindi ko pa alam kasi kung sino ang papalit so let’s wait. I don’t know the qualifications of who will be replacing (him). Certainly each person brings in his own style of management, his own style of running an office, so let’s wait until the appointment has been announced,” aniya pa rin.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply