Demolisyon sa Pasay: Parak sugatan, 8 sekyu dinampot

demolish

SUGATAN ang isang pulis makaraang mauwi sa batuhan ang demolisyon sa isang bakanteng lote sa kanto ng Lourdes Street at Roxas Boulevard sa Pasay City, kaninang umaga.

Nakatakdang operahan ang nasugatang pulis na si SPO2 Angel Atos, miyembro ng rumespondeng Special Weapons And Tactics (SWAT) ng Pasay Police makaraang magtamo ng tama sa mukha.

Inaaresto naman at mahaharap sa kasong direct assault, physical injury at paglabag sa gun ban ang walong sekyu na unang nambato sa demolition team at mga pulis.

Bandang alas-8:30 kaninang umaga nang sumugod ang demolition team sa bakanteng lote kaugnay ng implementasyon ng writ of possession pabor sa Pamilya Herrera laban sa land developer na SMDC na magtatayo na sana ng condominium sa mahigit 5,000 square meters na lupa.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply