DEMONYONG PROFESSOR AT SHOOTOUT SA QUEZON

burdado-jun-briones2

WALA akong mahagilap na termino sa kahayupan ng isang professor sa Montessori Professional College (Pasay Branch) kundi demonyo! Subukan mo, parekoy, na panoorin sa YouTube ang isang video habang sinasaktan at pinagmumura ng hijo de putang professor ang isang babaeng estudyante, tingnan ko kung hindi ka manginig sa galit! Grrrrrrrr!

Noong una ay nagdadabog muna itong naka-formal attire (long sleeves) na professor habang nilalamukos ang mga papel sa ibabaw ng kanyang mesa.

Biglang inambaan, parekoy, ang isang estudyante habang nagmumura, sabay tayo at pumunta sa kabilang kuwarto.

Asus ayon na, pagdating doon ay biglang dinapurak ng hayop na professor ang isang babaeng estudyante sabay mura nang hindi malamon ng tao!

Bwaka ng ina mo, sir, kasim-pangit ng mukha mo ‘yang asal mong hayop ka! Tingin ko, eh, hindi asal ng isang tao ang gumawa nun, tingin ko’y Satanas!

Kung anak ko ang ginawan mo ng ganun na Satanas ka, eh, mapuputulan kita ng ulo!

Bukas makalawa, tiyak lulutang din ang pangalan mong letse ka, at doon na kita babalatan ng buhay! Grrrrrrrrrrrrrr!

Kahit magkapera ako, parekoy, ay hindi ako magpapaaral ng anak  sa Montessori Professional College.

Hangga’t hindi sinisibak ang demonyong professor! Hmmp!

-o0o-

Kumpirmado na, ang 13 namatay sa isang checkpoint sa Atimonan, Quezon ay kinabibilangan ng ilang pulis sa pangunguna ni Col. Alfredo Prez Consemino ng Mimaropa.

Kasama rin sa napatay si Vicente “Vic Siman” Atienza, well-known gambling lord sa Laguna.

Ayon kay Col. Hanzel M. Marantan, pinuno ng operatives na nakapatay, shootout umano at hindi rubout ang naganap. Ang shootout, parekoy, ay lehitimong pakikipagbarilan at ang rubout naman ay walang kalaban-laban ang napatay. Si Col. Marantan, nasa ranggong Kapitan pa lamang ay ipinakita sa UNTV footage habang walang-awa na pinagbabaril noon ang ilang lalaki sa loob ng isang kotse.

Matunog din sa buong Calabarzon na kapatid ni Col. Marantan ang isang gambling lord na kakumpetensya ni Vic “Siman” Atienza.

Col. Marantan, ang hula ko ay “rubout” ang nangyari sa inyo! At kung hindi ka rin lang malakas sa Liberal Party, maging si SILG Sec. Mar. Roxas ay tiyak ‘yan din ang hula!!!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply