DENR official niratrat, tigbak

crime6

TODAS ang isang opisyal ng Environment and Natural Resources (DENR) – Qurino makaraang ratratin ng dalawang suspek sa isang checkpoint sa bayan ng Maddela, Quirino.

Nakilala ang biktima na si Alfredo Almueda, 59, Community Environment and Natural Resources Officer (CENRO) ng Maddela-Nagtipunan area.

Nabatid na nakatanggap ng tip si Almueda at dalawa pang ibang kasamahan na may dadaang truck sa naturang lugar na may kargang mga hot logs.

Bigla na lamang umanong pinagbabaril si Almueda sa loob mismo ng kanyang Isuzu pick-up na nakaparada malapit sa checkpoint.

Ayon sa ulat, armado ng M-16 Armalite rifle ang mga suspek matapos marekober ang 22 basyo nito.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply