Depensa ng Painters palalambutin ng Texters

tnt

MAGTATAGPO ang pinakamagaling sa opensa at pinakamagaling sa depensa kaya naman asahan na magbabaga ang labanan ng Talk ‘N Text Tropang Texters at Rain or Shine Elasto Painters.

Subok na ang tibay ng dibdib ng mga Texters dahil sa dami ng kanilang championship experience habang pangalawang sampa pa lang ng Elasto Painters sa Finals subalit para kay RoS head coach Yeng Guiao ay sapat na ang kanilang karanasan.

Bukas ng alas 6:45 ng gabi aarangkada ang Game 1 ng 2012-13 PBA Philippine Cup Finals na gaganapin sa Smart Araneta Coliseum.

Nakatuon ang two-time defending champion Talk ‘N Text sa kanilang ikatlong sunod na titulo sa All-Filipino upang pantayan ang nagawa ng Crispa noong 1979, 1980 at 1983.

Tutuhugin naman ng PBA Governors Cup ruler RoS ang ikalawang sunod na kampeonato.

Ayon kay TNT coach Norman Black wala siyang pakialam kung sino ang underdogs para sa kanyan ay kailangan nilang manalo ng apat na beses sa kanilang best-of-seven series.

Mas kumportable naman kay Guioa na sila ang underdogs.

Bago sumampa sa Finals ang TNT at RoS ay tinalo muna nila sa semifinals ang Alaska Aces, (4-2) at San Mig Coffee Mixers, (4-2) ayon sa pagkakasunod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply