Dermatologist binurdahan, dedbol

crime-scene-4

MALAMIG na bangkay na nang matagpuan ang isang dermatologist sa loob ng kanyang tinutuluyang apartment sa Cubao, Quezon City, Biyernes ng madaling araw.

Nakasuot lamang ng brief at may mga saksak sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktima na kinilalang si Russel Fritz Saliganan, a.k.a Natalia Anne Gonzales, 25-anyos at isang license dermatologist.

Blangko pa ang Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) kung sino ang salarin pero malamang na kakilala ito ng biktima.

Sa ulat ng CIDU, natuklasan ang krimen dakong 12:05 ng madaling araw pero naganap ang insidente sa pagitan ng alas-2 ng hapon hanggang alas-12 ng hatinggabi sa mismong apartment unit ng biktima.

Sinabi ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), may walong oras nang patay ang biktima na may mga sasak din sa dalawang kamay na isang senyales na nanlaban ito o ginawang panangga ito sa pananaksak.

Ayon naman sa testigong si Teresa Romero, kapitbahay ng biktima bago ang insidente ay napasilip siya dahil bukas ang ilaw sa apartment unit ng biktima.

Pero nang igala niya ang kanyang mata, nakita niya ang mga paa ng biktima na nasa sahig at may bahid ng dugo kaya sinabi niya ito sa kanyang kasamahan na siyang tumawag ng pulis.

Sa pagsisiyasat ni P03 Jogene Hernandez, maaaring sa bintana dumaan ang suspek dahil sarado ang pinto ng bahay ng biktima.

Hinala ng pulisya, may kinalaman sa krimen ang dating karelasyon ni Saliganan dahil nalaman na kamakailan lamang ay hiniwalayan ito ng biktima.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply