DFA muling nanawagan sa OFWs sa Syria na umuwi na

DFA

MULING nanawagan ngayon ang pamunuan ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa Syria na tumugon sa repatriation program ng pamahalaan para hindi malagay sa panganib ang kanilang buhay.

Ang panawagan ay matapos na makauwi sa bansa kahapon (Enero 15) ang may 39 na OFW mula sa nagkakagulong bansang Syria.

Lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang commercial flight ng Gulf Air na may numerong GF-154 dakong alas-10 umaga.

Ayon sa DFA, magmula nang sinimulan ng pamahalaan ang repatriation efforts nito sa Syria noong 2011 dulot ng kaguluhan doon, aabot na sa mahigit 3,300 na mga manggagawang Pinoy ang naiuwi na sa Pilipinas.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply