‘DI NASILAW SA KINANG NG PERA

bong_padua1

NAKABIBILIB din naman at  masasabi nating ‘one in a million’ ang tauhan na ito ni Bureau of Customs  Commissioner Ruffy Biazon.

Hindi nasilaw si Lt. Antonio Punzalan, BOC detachment commander sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa alok na pera ng isang drug courier.

Nasabat si Roendo Bastatas Ariata ni Punzalan at ang kanyang mga tauhan sa Terminal 2 alas-9:00 ng gabi noong Martes na may dalang 7 kilo ng shabu.

Imbes  na  tanggapin ang tumataginting na ‘bribe money’ na alok ni Ariata, lalo itong nagalit at isinelda ang suspek na galing sa Hong Kong.

Sa pagtaya ni Byron Carbonel, Legal and Investigation chief at hepe ng TF React, nasa P35 million ang halaga ng droga ni Ariata.

Ito ang unang pagkakataon na isang Filipino ang nahulihan ng santambak na shabu na hinihinalang ginamit ng sindikato ng international drug ring.

Marami nang nadakip na drug mule sa NAIA at sangkatutak na droga na rin ang kanilang nakumpiska na maaring nakasakit sa sindikato.

Ang paggamit sa isang Pinoy ay maaring estratehiya ng sindikato para maiwasan ang pagkakasakote ng kanilang pinadadalang droga.

Pero nagkamali ang sindikato dahil si Ariata ay nadakip.

Kung noon umuubra ang bribe money, sa panahon ni Biazon, tila, waepek ito.

Mabuhay ka, Lt. Punzalan.  Ang katulad mo ang mga opisyal na kaila-ngan ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang anti-corruption moves.

FIXERS NAGLUTANGAN SA QUEZON CITY

NAGLIPANA na naman   ang mga fixer sa Quezon City Hall ngayong  bayaran  ng business tax ng mga  negosyante sa lungsod.

Si Charles  o  may  inisyal  na  “CB”, numero unong fixer ay nagpapakilalang  bata  ng isang dating  konsehal ng 4th district  ng  QC  at ngayo’y tumatakbong  konsehal diyan.

Mayor Herbert ‘Bistek’ Bautista, nasisira ang pa-ngalan mo dahil sa kalokohan ng Charles na ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply