DIBORSYO

raul_valino

AYON sa Bibliya, ang pinagsama ng Diyos ay hindi dapat paghiwalayin ng tao.

Ito ang argument ng Simbahang Katoliko.

Tama sila, talagang hindi dapat paghiwalayin ang mga taong pinagsama ng Diyos.

Pero sakop kaya rito ang mga mag-asawang pinagsama ng mga pare, mga ministro, ng mga huwes o mga kapitan ng barko?

Hindi ko alam kung ang mga mag-asawang walang ginawa kundi mag-away ay pinagsama talaga ng Diyos.

Sa palagay ko naman ay hindi, kaya’t marami ang pabor sa diborsyo.

Mayroong panukala sa Congress na ipasa ang isang divorce law para paghiwalayin na ang mga taong hindi magkasundo.

Si Pia Cayetano, na dating may asawa, ay sinasabing sang-ayon siya sa isang divorce law.

Ganoon din si Loren Legarda, dati ring may asawa, na pro-divorce.

Siguro ay hindi happy ang mga ito sa kanilang naging ka-partner sa buhay kaya nais nilang magkaroon ng divorce law sa ating bansa.

Sila ngang dalawa, kasama na si Miriam Defensor Santiago, ang nanguna sa pagpasa ng Reproductive Health Law.

Silang tatlo ang may pangunahing akda ng reproductive health na mariing isinabatas ang “safe and satisfying sex” sa mga mag-asawa.

Ang problema lang sa batas sa satisfying sex ay one-sided.

Puro pabor sa babae at hindi sa lalaki.

Kapag ayaw ni misis na sumiping si mister at siya pa rin ay nagpumilit, sa bilangguan ang kalalagyan niya.

Pag si mister naman ang ayaw ipagalaw ang kanyang ari kay misis, walang parusa kay misis.

Sa tatlong senadorang ito, si Mrs. Miriam lang yata ang ‘di sang-ayon sa diborsyo.

Satisfied kasi siya sa kanyang mister na si Jun Santiago at walang dahilan para idiborsyo niya si Jun.

Siyempre, si Jun ay pa smile-smile lang sa isyung ito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply