Diesel sa sumadsad na USS Guardian naialis na

uss-guardian-5

IPINAHAYAG ng Philippine Coast Guard (PCG) na naalis nang lahat ang kargang diesel sa sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha Reef sa Sulu Sea ng mga rumespondeng salvage team ng US Navy.

Ayon sa US Navy 7th fleet, nailipat na sa Malaysian tugboat ‘Vos Apollo’ ang 15,000 galon ng diesel fuel nitong Biyernes na inumpisahang isalin noong Huwebes.

Dahil dito, masisimulan na ang pag-alis sa nasabing barko na sumadsad sa Tubbataha Reef.

Sinabi naman ni Rear Admiral Thomas Carney, ang on scene commander ng salvage operations, prayoridad ng kanilang operasyon na maialis ang kargang krudo ng barko para maiwasan ang higit na malawak na pinsalang idudulot ng pagtagas nito.

Sa ngayon, hinihintay pa ng salvage team ang mga high lifting capacity crane ships mula Singapore na inaasahang darating sa Pebrero 1.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply