DILG Secretary Roxas kinondena ng solon

roxas1

KINUWESTYON ng isang kongresista ang integridad at kakayahan ni Interior Secretary Mar Roxas.

Sa isang press conference, inilabas ni Zamboanga del Norte Rep. Seth Frederick Jalosjos ang kanyang sama ng loob kay Roxas matapos nitong isulong ang promosyon ng isang pulis gayung may patong-patong na kaso ng torture, grave abuse of authority and grave misconduct.

Kinondena ni Jalosjos ang promosyon ni Police Supt. Reynaldo Maclang, ang Provincial Public Safety Commander ng Zamboanga del Norte.

Binanggit ng kongresista na limang araw bago ang promosyon ni Maclang ay nagreklamo na si Governor Rolando Yebes kay Roxas tungkol sa diumano’y mga iligal na gawain ni Maclang.

Sa kabila umano ng naging tugon ni Roxas na ang alegasyon laban kay Maclang ay maituturing na “serious allegations” ay na-promote pa rin ito sa halip na imbestigahan at suspendihin.

Dahil dito, minarapat ni Jalosjos at ni Gov. Yebes na isampa na ang reklamo laban kay Maclang sa Office of the United Nations High Commissioner for Human Rights at Amnesty International.

Banggit pa ni Jalosjos ang ginawang buy-bust operations ng mga tauhan ni Maclang sa mga journalists na sina Ryan Uy, Joseph Herrera, Ferdinand Lear, Genesis Ajero at Roy Villar na napag-alamang pawang mga kritikal kay Maclang

“I am questioning the integrity and capability of the present leadership of the DILG. Makabagong bersyon po ba ito ng diktatorya?” ayon kay Jalosjos.

May hinala ang kongresista na nais lamang pumuwesto ni Roxas bago ang 2016 elections kung saan inuna na niya ang Pangasinan, Cebu, Lanao del Norte at ngayon ay Zamboanga del Norte.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply