Disbarment case vs Leonen ibinasura ng SC

marvic-leonen

TULUYAN nang ibinasura ng Korte Suprema ang disbarment case na inihain ng isang abogado laban kay Associate Justice Marvic Leonen.

Ayon sa SC, ang kasong isinampa ni Atty.Elly Pamatong ay walang sapat na basehan upang isulong ang kaso.

Ang naging desisyun noon ng korte sa disbarment case nina dating Chief Justice Marcelo Fernan na nagsasabing ang isang miyembro ng SC ay maaari lamang matanggal sa puwesto sa pamamagitan ng impeachment ay ginamit na batayan ng SC upang ibasura ang nasabing petisyon.

Ginamit din na basehan ang kaso ni dating Secretary Raul Gonzalez na nagsasabing ang public officer ay hindi maaaring sampahan ng disbarment sa panahon ng kanyang pananatili bilang public officer.

Gayunman, nilinaw ng SC na hindi naman immune ang mga miyembro ng kataas-taasang hukuman sa mga posibleng criminal acts o unethical behavior.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login