DOH execs isasailalim sa ‘Belly Gud for Health’ program

doh-enrique-ona

HINIKAYAT ni Health Secretary Enrique Ona ang mga executive ng Department of Health (DOH) na manguna sa isang healthy lifestyle at sumailalim sa weight loss program ng ahensiya na ‘Belly Gud for Health.’

Nabatid na ang ‘Belly Gud for Health’ ay isang six-month challenge kung saan ang mga DOH executive ay sasailalim sa nutrition and physical activity counseling, healthy diet, aerobic at isometric exercises, at stress management.

Sa ilalim ng programa, bawat kalahok ay pagkakalooban ng DOH-produced exercise videos upang gabayan sila sa ilang tamang workout at personal fitness mentor na siyang regular na magpapaalala sa kanila hinggil sa kanilang diet at mga pisikal na aktibidad.

Ayon kay Ona, magkakaroon ng monthly monitoring at recording sa waist circumference ng mga DOH executives, gayundin ng buwanang pagkilala at reward para sa mga opisyal na magtatagumpay na mabawasan ang kanilang waist circumference.

Sa pagtatapos ng anim na buwang hamon, isang lalaki at isang babaeng executives na nagkamit ng pinakamalaking bawas sa kanyang belly fats ay idedeklarang panalo at pagkakalooban ng mga health products at services, tulad ng fruit baskets at gift certificates sa wellness spa.

Sinabi ng Kalihim na kailangan ng mga DOH executives ang naturang programa dahil ang stress sa kanilang trabaho ay maaring maging sanhi ng overeating at kawalan ng pisikal na aktibidad na nagiging sanhi ng overnutrition o pagtaba.

Ayaw anila nilang danasin ng kanilang health executives ang mga konsekwensiya ng non-communicable diseases (NCDs) na nakukuha sa pagtaba tulad ng sakit sa puso at stroke kaya’t binibigyan nila ang mga undersecretaries, assistant secretaries, directors, division chiefs at program managers ng magaan at enjoyable na challenge upang maging fit sa pamamagitan nang pagkakaroon ng desirable waist circumference.

Nabatid na ang waist circumference ay isang simple at madaling paraan ng pagsukat sa central obesity na dami ng visceral fat o ang taba na nakapalibot sa inner organ ng isang adult at isang mahalagang indicator ng panganib sa NCDs.

Ang desirable waist circumference para sa mga lalaki ay less than 90 centimeters (cm) habang less than 80 cm naman para sa mga babae.

Noong nakaraang taon, ang “Belly Gud for Health” ay isinagawa na sa rank-and-file employees ng DOH.

Mula sa kabuuang 779 personnel, 362 o 46.5% ang nagtangkang makaabot sa desirable waist circumference levels sa loob ng anim na buwan at sa pagtatapos ng hamon ay 10 lamang sa kanila ang kinilalang top performers.

Ang nangunang babae ay nakabawas ng 9.55 cm sa kanyang waist circumference habang ang lalaki naman ay nakabawas ng 5.45 cm.

Nabatid na plano rin ng DOH na dalhin sa iba pang government agencies ang programa na ngayong taon ay may temang “Belly Gud for Health: Executive Edition.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply