DOJ handa gumawa ng parallel investigation sa Quezon shootout

atimonan3

HANDA ang Department of Justice na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa naganap na madugong shootout sa lalawigan ng Quezon na ikinamatay ng 13 katao.

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, maari siyang magtalaga ng special team na binubuo ng mga DOJ Prosecutor at mga tauhan ng National Bureau of Investigation para magsagawa ng parallel investigation.

Gayunman, kailangan pa raw niyang humingi ng basbas kay Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino bago pumasok ang DOJ sa imbestigasyon.

Nilinaw naman ni de Lima na itinuturing pa ring shootout ang naganap na insidente sa bayan ng Atimonan kung saan nasawi rin ang tatlong pulis at tatlong sundalo.

Una rito, iginiit ng mga kaanak ng mga nasawi na ang nangyari noong araw ng Linggo ay isang insidente ng rubout.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply