DOJ ‘hands off’ muna sa draft report ng NBI sa Atimonan incident

INIHAYAG ni Justice Secretary Leila de Lima na “hands off” muna siya sa draft report ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Atimonan, Quezon shooting incident.

Ayaw pang magkomento ng kalihim sa report na inabsuwelto ng NBI ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) sa madugong checkpoint sa Atimonan, Quezon noong Enero 6 kung saan 13 ang namatay.

Lumalabas kasi sa ulat na pinaboran ng NBI ang paliwanag ni PAOCC executive director C/Supt. Reginald Villasanta na hindi pinayagan ng komisyon ang “Coplan Armado.”

Sa halip, nakasentro aniya ang resulta ng imbestigasyon ng NBI sa operasyon ng mga pulis na sangkot sa pamumuno ni Supt. Hansel Marantan.

Sa panayam sa kalihim nilinaw nito na wala pang pinal na kopyang ipinalabas ang NBI.

Sinabi rin nito na patuloy pa rin ngayon ang kanilang pag-aaral sa kaso.

Muli ring nandigan si De Lima na malabong nagkaroon ng shootout.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply