DOT bigong maabot ang 4.6M target na turista noong 2012

NABIGO ang Department of Tourism (DOT) na maabot ang target na bilang ng turista na bumisita sa bansa noong nakaraang taon.

Ayon sa ulat, nakapagtala ang Pilipinas ng 4.3 milyong turista noong 2012 na mas maliit sa target nito na 4.6 milyon.

Sa kabila nito, nilinaw ng DOT na ito ang pinakamataas na bilang ng turistang naitala sa buong kasaysayan ng bansa.

Mas mataas din ito ng siyam na porsiyento kumpara sa bilang ng mga turistang bumisita sa bansa noong 2011 na umabot sa 3.9 milyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply