DOT naglabas ng travel advisory para sa Pinatubo hikers

TARLAC CITY – Naglabas ang Department of Tourism (DOT-3) ng “travel advisory” sa lahat ng Pinatubo-bound hikers kasunod ng pagkamatay ng isang 44-anyos na overseas Filipino worker na tumalon sa malalim na bahagi ng crater lake nito.

Ayon kay DOT Regional Director Ronaldo Tiotuico, napag-alaman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology na naglalaman ang tubig ng crater ng mga hazardous substances partikular ang arsenic, aluminum, boron, chloride, iron, manganese, sulphate at total solids na posibleng maka-apekto sa kalusugan ng tao at kalaunan ay maging sanhi ng kamatayan.

Inaabisuhan ang mga turista na iwasang lumapit sa lakeshore nito dahil maaring malagay sa alanganin ang kanilang buhay dahil sa pagkahulog ng mga malalaking bato at pagguho ng lupa lalo na tuwing malakas ang ulan.

Dagdag pa ni Tiotuico na kanilang pinapaalalahanan ang mga banyaga at lokal na hikers na nagbabalak umakyat sa Pinatubo sa pamamagitan ng jump-off point sa Sta. Juliana sa Capas, Tarlac na ang napakagandang asul na lawa sa crater ay naglalayong maging scenic spot lamang at hindi resort playground kung saan maaaring lumangoy, mag-kayaking o aqua cycling.

Matapos ang dalawang oras na trek, inaabisuhan ng DOT ang mga hikers na mahiga na lamang at magpahinga at kung mayroong oras ay mag-alay ng panalangin kay Apu Malyari – ang kinikilalang diyos ng mga katutubo sa kabundukan upang magpasalamat sa ligtas na pag-akyat at hingin ang ligtas na pagbaba.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply