DOT: Turista dadami sa pagpapatupad ng gun ban

NANINIWALA ang Department of Tourism (DOT) na malaki ang maitutulong ng pagpapatupad ng election gun ban sa bansa upang lalo pang humikayat ng mga dayuhang turista.

Sinabi ni Tourism Secretary Ramon Jimenez na pangunahing tinitignan ng mga turistang dayuhan ang uspin sa kapayapaan sa isang bansa.

Isa, aniya, ang Pilipinas ngayon ang nagpapatupad ng paghihigpit sa pagdadala ng baril  kaya naman pinaiiral ang gun control ngayon.

Umaasa naman ang kalihim na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng gun ban ngayong halalan ay mababawasan naman ang bilang ng mga karahasan sa bansa .

Si Jimenez ay kabilang sa naging panauhin sa pagpapasinaya ng bagong garden sa Rizal Park na tinaguriang bagong binhi ng kalayaan.

Nag-alay dito ng bulaklak sa monumento ni Jose Rizal bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-50 taong pagkakatatag ng National Parks Development Committee.

Ikinatuwa naman ni Jimenez dahil kasama ang Pilipinas sa mga pangunahing tourist destination sa buong mundo dahil na rin, aniya, ito sa pagkakatiwala ng international community sa magaganda at mayamang tourist spots sa bansa gayundin ang angking katangian ng mga Pilipino sa maayos na pagtanggap ng mga bisita.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply