‘Draft report’ ng NBI sa Atimonan, kasado na

atimonan-massacre

MAY ‘draft report’ na ang National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa kanilang imbestigasyon  sa nangyaring barilan sa Atimonan, Quezon matapos na ipatawag ang  mga mahalagang resource person  para sa kanilang imbestiagsyon at ang  mga ebidensyang nakalap at testigong lumantad.

Nabatid na ang pagsasampa ng kaso sa lahat ng mga nakasama sa operasyon sa isinagawang checkpoint ang nilalalamn ng rekomendasyon sa NBI Atimonan investigation.

Ang situation sketch at lokasyon ng naganap na insidente  ay magiging bahagi rin ng post incident report ng NBI.

Una nang iginiit ni Justice Secretary Leila de Lima na walang naganap na shootout gayundin, kumbinsido rin ang mga opisyal ng NBI na walang nagpaputok mula sa dalawang SUV na hinarang sa checkpoint.

Ito ay dahil base, anila, sa sketch, ang mga direksyon ng bala ay galing sa pulis at military.

Sa ilalabas na opisyal na ulat ng NBI ay kasama rin ang ginawang computerized animation kung saan nakadetalye ang nangyaring pamamaril sa Atimonan na ikinamatay ng may 13 katao.

Samantala, magsusumite ng affidavit ngayon sa tanggapan ng National Bureau of Investigation (NBI)  ang mga sundalong sangkot sa Atimonan incident.

Ayon kay Atty.Crisanto Buela, abogado ng mga sundalo at pulis, sila ay magsusumite ng affidavit sa tunay na nangyari sa Coplan operation ng military special force.

Nabatid na isang testigo ng mga sundalo ang darating ngayong alas 2:30 ng hapon upang magbigay ng kanyang testimonya sa pangyayari.

Isa sa dalawang sasakyan ng mga napatay ay dumating na rin sa NBI para maimbestigahan ng mga awtoridad.

Dadalhin naman sa NBI ang isa pang sasakyan na niratrat sa checkpoint.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply