Drayber na sweet lover, patay sa pamamaril

SOBRANG chikboy ang nakikitang dahilan sa pagpatay sa isang mestisong jeepney driver dakong alas-3:10 Biyernes ng hapon, Enero 18, sa Pasay City.

Dalawang tama ng bala sa ulo ang tinamo ni Rodolfo Jardin, 57, may-asawa, jeepney driver, huling nakatira sa No. 9611 Don Juan St., Gat Mendoza, Paranaque City na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay.

Ayon kay Chief Insp. Joey Goforth, hepe ng Pasay City Police Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS), minamaneho ng biktima ang pampasaherong dyip na may plakang PWE-747 sa bahagi ng Domestic Road patungong Baclaran.  Pagsapit sa tapat ng Airtech International College (AIC) isang motorsiklo sakay ang hindi nakilalang lalaki ang humarang sa minamanehong dyip ng biktima bago siya dalawang beses na binaril sa ulo.

Hindi na nagawa pang dalhin sa pagamutan ang biktima dahil kaagad siyang binawian ng buhay bunsod ng maselang tama ng bala na tinamo sa ulo.

Samantala, nagsipulasan ng takbo ang kanyang mga pasahero dahil sa takot na madamay sa pamamaril ng suspek.

Sinasabing may kinalaman sa pagpapautang ang motibo sa pagpatay sa biktima dahil may mga pautang ito.  Subalit hindi kumbinsido ang pulisya dahil P5,000 lamang ang pinakamalaking pautang nito.

Sa isinagawang imbestigasyon ng grupo ni Goforth, nabatid na malaki ang posibilidad na babae ang motibo sa pamamaslang sa biktima dahil sa mga text messages sa cellular phone na narekober sa biktima.

Nabatid na nabiyudo ang biktima sa una niyang asawa at kinasama ang hipag nito habang mayroon pang dalawang karelasyon ang babaerong drayber.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply