Driver hinoldap na, taxi tinangay pa sa QC

QCPD

TARGET ngayon ng operation ng Quezon City Police District ang tatlong holdaper kabilang dito ang isang babae na nangholdap  at tumangay sa minamanehong taxi ng isang driver sa Quezon City kaninang madaling araw  Enero 16, 2013 (Miyerkules).

Ito’y matapos na magreklamo sa Cubao Police Station 7 ang nabiktimang si Raffy Caduwada , 35, driver ng Favics taxi na may plakang UVM-776 .

Lumitaw sa inisiyal na imbestigasyon ni PO3 Marlon Rivera ng QCPD, Station 7 naganap  ang insidente dakong 3:00 ng madaling araw kanina sa Driod St., Brgy. Kaunlaran, Cubao, Quezon CityBatay sa reklamo ni Caduwada, sumakay sa kanya ang tatlong suspek kabilang ang isang may hitsurang babae (nasa late 30s) sa may Puresa Sta. Mesa Maynila at nagpapahatid sa kanya driod st. Kaunlaran, Cubao.

Ayon sa taxi driver pagpasok na pagpasok pa lamang nila sa bahagi ng Driod St ay dito na siya tinutukan ng patalim ng lalaking nasa likuran niya at dito na sinamsam ang kanyang wallet na naglalaman ng kinitang 3,800 pesos at mga ID

Pinalipat umano sa likurang bahagi ng upuan ang biktima (taxi driver) habang isa sa mga lalaki ang lumipat sa driver seat katabi ang babae bago siya ibinaba sa bahagi na ng 10th st Brgy Mariana sa Quezon city.

Bagamat  hindi sinaktan ang driver pero di niya sukat akalain na holdaper ang kanyang mga pasahero dahil may kasama pa silang babae.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply