Driver pinutulan ng kamay ng tinawag na madaya

crime11

PUTOL ang kanang kamay ng isang driver matapos tagain ng pinagbintangan niyang nandaraya sa pusoy habang nagsusugal sa lamayan ng patay sa Valenzuela City, Sabado ng gabi, Enero 26.

Ginagamot sa East Avenue Medical Center si Johnny Ferrrer, 39, ng Molina St., Viente Reales ng lungsod.

Nadakip naman si Lino Regilme, 43, kalugar ng biktima.

Sa ulat, alas-11 ng gabi, nagsusugal ng pusoy ang biktima at suspek habang naglalamay sa kalugar na namatay nang maghinala ang una na dinadaya siya ng huli.

Nang komprontahin ay nauwi sa pagtatalo hanggang sa umuwi ang suspek at nang bumalik ay armado na ng jungle bolo.

Hindi na pinaporma ng suspek ang biktima na agad na tinaga na naging dahilan upang dalhin sa EAMC.

Nadakip naman ang suspek ng mga rumespondeng mga barangay tanod bago dinala sa presinto.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply