Driver tinodas sa inuman sa Parañaque City

crime11

PATAY ang 38-anyos na driver nang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin na kabilang sa kalalakihang lumusob sa mga nag-iinumang kabarkada ng una kaninang madaling-araw sa Parañaque City.

Dead on the spot si Ariel Gerardo, ng 163 Apple St., Purok 9 Sampaloc Site II, Brgy BF Homes sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan nito.

Ayon kay Insp. Joey Caise, hepe ng BF Homes Police Community Precinct (PCP), kabilang ang biktima sa grupo ng magkakabarkadang nag-iinuman sa isang eskinita sa Sampaloc Site nang sitahin at bulyawan ng ilang kalalakihan dahil sa nililikhang ingay pasado ala-1 ng madaling araw.

Bukod sa pag-iinuman, nagkakantahan pa ang magkakabarkada na labis na ikinairita ng ilang kalalakihan na naiistorbo dahil sa nililikhang ingay ng mga ito kaya’t nagpasiya si Gerardo na tumayo na upang umuwi at iwanan ang mga nag-iinumang kabarkada.

Hindi pa nakakalayo ang biktima nang sumiklab na ang kaguluhan sa pagitan ng grupo ng kalalakihan at mga nag-iinuman hanggang makita na lamang ang nakasubsob na bangkay ni Gerardo na naliligo na sa sariling dugo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply