DROGA

inton

ISANG ama ang naburyong daw at pinatay ang kanyang dalawang anak. Inumpog at minartilyo raw ang ulo ng binatilyong anak na 17 taong gulang at pilit umanong pinainom ng silver cleaner ang dalagitang anak na 16 taong gulang habang ang ina nila ay nagtitinda sa palengke.

Narinig pa raw ng kapitbahay na nagmakaawa ang anak na babae sa ama habang sinasaktan ang kanyang kapatid na lalaki.  Lasenggero raw ang ama na nagpakamatay rin sa pamamagitan ng pag-inom ng silver cleaner at kilalang gumagamit ng bawal na droga.

Ayon sa isang report tututukan daw ng mga awtoridad ang kalakal ng silver cleaner at mas hihigpitan ang pagbebenta nito.

Isa pang binatilyo ang na-interview sa isang documentary sa channel 7 nitong nakaraang linggo.  Nakakulong ang binatilyo dahil sa kasong frustrated homicide. Ayon sa binatilyo nagkapikunan sila ng kanyang kabarkada, at nagkataon na may dala siyang patalim kaya nasaksak niya ito.

Ang hinala ko ay gumagamit din ng bawal na droga ang binatilyo lalo pa at maraming report na naman tungkol sa mga tinatawag na ‘solvent boys’.

Ang sabi ng mga pulis kaya naman inaagapan nila ang paghuli at pagkulong sa mga ganitong kabataan, kagaya na nga ng isang ito na nakulong dahil sa pananaksak.

Pero sana ay mas tutukan ang ugat ng ganitong mga krimen at ito ay hindi ang mga silver cleaners o ang mga patalim at hindi lang ito tungkol sa maling impluwensya ng barkada.

Ito ay ang problema ng sambayanan sa iligal na droga.

Kumusta na ang Pinoy drug mule na nahuli na may dalang 7 kahon ng shabu na pumasok sa Pilipinas sa daan ng Ninoy Aquino International Airport mula sa Hong Kong?

Para sa akin ay ito ang mas malalim at mas nakaaalarmang problema, ang patuloy na kalakal ng bawal na droga at hindi ang silver cleaners.

Kung baga, ang silver clear-  ners ay ginagamit lang na kagamitan, kagaya ng paggamit sa baril, sa pagsasagawa ng mga karumal-dumal na krimen.

Sino kaya ang may sala – pero magugulat siguro tayong lahat kung malaman natin kung ilan sa mga karumal-dumal na krimen na ito ang may kinalaman sa droga.

Kaya sana ay ilagay ng pulis at militar sa pinakataas sa kanilang listahan ng “things to do” ang pagsugpo sa problema ng iligal na droga dahil sigurado na mas bababa ang insidente ng karumal-dumal na krimen.

Tutukan ang problema ng bayan tungkol sa droga.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply