‘Drug courier’ itinumba ng inonse sa droga

crime

ISANG bala sa ulo ang pumatay sa 32-anyos na lalaki na kilalang “drug courier” ng malaking sindikato ng iligal na droga nang barilin nang malapitan ng hindi pa nakikilalang salarin habang bumibili ng sigarilyo ang biktima sa isang tindahan kagabi sa Pasay City.

Dead on the spot si Arnie Louise Cruz, ng 2290 Tramo St., Barangay 61 Zone 8 sanhi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .9mm sa ulo mula sa tumakas na suspek bitbit ang ginamit na baril.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Faustino Erlano at SPO1 Ariel Inciong ng Investigation Section ng Pasay police, kalalabas lamang ng kanilang tirahan ang biktima dakong alas-6:15 ng gabi at bumibili ng sigarilyo sa isang tindahan sa kanto ng Tramo at Macopa St. nang barilin ng nag-iisang suspek.

Hinala ng pulisya na onsehan sa iligal na droga ang motibo sa krimen matapos matuklasan na courier o tagapag-deliver ng shabu ng malaking sindikato ng illegal na droga na pinamumunuan ng isang alyas Darnel Wangbu sa Tramo ang biktima.

Napag-alaman pa sa pulisya na hindi naibigay ng biktima sa sindikato ang malaking halaga na pinagbentahan ng ilegal na droga kaya’t nilikida siya ng grupo.

Ayon naman kay Pasay police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca, inilagay na nila sa “order of  battle”  ang umano’y lider ng sindikato na si Darnel Wangbu na kilalang maton sa kanilang lugar sa Tramo at inaalam na nila ang tunay nitong pagkatao, pati na rin ang kinakaharap na mga kaso.

Sinusuri na rin ng pulisya ang kuha ng close circuit television (CCTV) camera sa kalapit na barangay hall na posibleng nakahagip sa nangyaring pamamaslang.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply