Drug den sinalakay, may-ari, 3 pa nasakote ng PDEA

NASAKOTE ng mga tauhan ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) ang talamak na drug pusher na sinsabing may-ari ng isang drug den at tatlong iba pa sa isinagawang anti-narcotics operation sa Daet, Camarines Norte, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ipinadalng report ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. kinilala ang mga naarestong suspek na sina Francisco Ace Simeon, 34, Larry Nazareno, 52; Lamberto Inciong, 51; at Anthony Castilar, 37, na pawang nasakote sa loob ng bahay ni Simeon na kilalang talamak sa pagbebenta ng shabu sa Purok 3, Barangay
Borabod, Daet, Camarines Norte.

Ang pagsalakay ay batay sa ipinatupad na search warrant ng pinagsanib na puwersa ng operatiba mula sa PDEA Regional Office 5 (PDEA RO5) sa ilalim ng superbisyon ni Director Archie Grande, Daet Municipal Police Station, Camarines Norte Provincial Police Office, 5th Regional Criminal Investigation and Detection Group at Camarines
Norte Criminal Investigation and Detection Team.

Nakuha sa pagsalakay ng mga operatiba sa bahay ni Simeon ang 16 piraso ng plastic sachets na naglalamang shabu na tumitimbang ng 6 gramo, mga empty plastic sachets at iba’t ibang uri ng drug paraphernalia.

Isinampa ang kasong paglabag sa Section 6 (Maintenance of a Den, Dive or Resort), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II of Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban kina Simeon at Nazareno.

Kasong paglabag sa Section 7 (Employees and Visitors of a Den, Dive or Resort), Article II ng R. A. 9165 nama nang isinampa laban kina Inciong at Castilar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply