Drug financier arestado sa PDEA

PDEA-2

INARESTO ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang umano’y financier ng isang drug group sa Binondo, Maynila nitong Enero 4, 2013.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang dinakip na si Changxin Wang, Chinese national at miyembro ng Binondo Chinese Drug Group.

Si Wang ay nakabase sa Binondo, Manila at responsable sa pagpapakalat ng iligal na droga sa Metro Manila at kalapit na lugar.

Ayon sa PDEA dinakip si Wang dakong alas-11:00 ng umaga ng mga operatiba ng PDEA Regional Office National Capital Region matapos isilbi ang warrant of arrest laban dito sa bisinidad ng Department of  Justice sa Padre Faura Street, Manila dahil sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) na may kaugnayan sa paglabag sa Section 26 (Conspiracy to Sell), Article II of Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nabatid na nakatakdang isailalim sa preliminary investigation si Wang sa DOJ para sa kasong money laundering nang arestuhin ng mga operatiba ng PDEA.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply