DRUG SYNDICATE SABLAY SA BOC

pakurot

WALA na talagang pag-asa ang iba’t ibang international drug syndicate na makaporma pa sa Pilipinas kaugnay sa pagpapasok ng kanilang epektos hangga’t si Commissioner Ruffy Biazon ang nakaupong hepe ng Bureau of Customs.

Mula kasi nang maupo sa BOC si Biazon ay iniutos nito ang pagdoble sa pagbabantay sa mga paliparan at daungan hindi lang para sa mga smuggled good na inilulusot ng mga tiwaling negosyante upang kumita sila ng malaki at magmukhang tanga naman ang gobyerno kundi higit sa lahat ay walang sisinuhin sa anti-illegal drug campaign na talaga namang pinalalakas ng pamahalaan.

Malupit ang naging record ng pamumuno ni Biazon sa BOC kaugnay sa kampanya ng droga noong 2012 sapagkat sila ang nakapagtala ng pinakamalaking huli ng droga kung saan umabot sa mahigit 53 kilo ng shabu, 8 kilo ng cocaine, 33 kilo ng marijuana at iba pang klase ng droga na tinangkang ipuslit sa paliparan.

Umabot sa mahigit P465 milyon ang halaga ng droga na nakumpiska ng mga tauhan ng BOC kung saan hindi nakalusot ang estilo ng sindikato dahilan upang maaresto ang may 17 drug mule na karamihan ay parang dayuhan.

Dati-rati, mismong sa Pilipinas ginagawa ang droga subalit dahil matindi rin naman ang mga alagad ng batas sa pagmo-monitor ng iligal na gawain ng sindikato, unti-unting naubos ang kanilang laboratoryo at nahirapan na makapagpasok ng mga equipment.

Gumamit sila ng drug mules na hindi rin naman nakalusot sa matinding pang-amoy ng mga tauhan at opisyal ni Biazon.

Kaya ang sindikato ng droga, sablay ang estilo at hindi makalusot sa BOC na mas lalong pinatindi ang pagseserbisyo sa pamahalaan upang mas lalong pagkatiwalaan ng mga mamamayan.

*****

Tulad ng drug syndicate, sablay rin ang pagpapatupad ng election gun ban ng Philippine National Police sapagkat sa halip na mabawasan ang krimen ay lalong dumami ito dahil nagkaroon ng pagkakataon ang mga masasamang loob na magawa ang kanilang plano.

Hindi naman pinangingilagan ng mga kriminal ang pagpapatupad ng gun ban dahil lahat ng oras kapag gusto nilang gumawa ng masama at magdala ng baril ay nagagawa nila at hindi katulad ng mga responsible gun owner at holder na nangingilag na mahuli dahil sa hindi lang ito abala sa kanila kundi kasiraan pa ng kanilang pangalan.

Dapat maging mahigpit ang pagbabantay ng mga pulis sa checkpoints at kailangang ipatupad madalas ang oplan-bakal sa mga lugar na madalas tambayan ng mga kriminal tulad ng night club at sugalan. Huwag lang gawin ng mga pulis na gatasan o pagkakaperahan ang mga club para lang huwag magpa-tupad ng oplan-bakal.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply