DSWD employee binoga sa Maguindanao, todas

police

TODAS ang isang project development officer ng Department of Social Welfare and Development sa Autonomous Region in Mindanao (DSWD-ARMM) sa Maguindanao nitong Biyernes ng hapon.

Dead on the spot sanhi ng tama ng bala ng kalibre 45 sa iba’t ibang parte ng katawan si Rowena Lu Sangki, 40, habang sugatan naman ang kasamahan nito na nakilala lamang sa
Rahima.

Blangko pa ang pulisya kung sino ang nasa likod ng pagpatay kay Sangki pero may hinala na may kinalaman ang pagpatay sa trabaho ni Sangki.

Sa ulat, naganap ang insidente alas 5:30 ng hapon sa isang bisinidad sa Datu Odin Sinsuat.

Bago ito, pauwi na ang dalawang biktima mula sa DSWD-ARMM office sa Barangay Semba nang biglang ratratin ng mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply