Dumukot sa pulis, sundalo sa ComVal tinutugis

comval

HINAHANTING na ngayon ng awtoridad ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) na dumukot sa isang sundalo at pulis sa Compostela Valley.

Sinabi ni Maj. Thaddeus Jaboc Obligado, commanding officer ng Army’s 10th Civil Military Operations Battalion, na kapwa bumuo na ng police at military tracker teams para matunton ang kinaroroonann ng mga biktima na sina Pfc. Jezreel Culangco at PO1 Ruel Pasion, miyembro ng San Isidro municipal police station.

Dakong alas-9:00 ng umaga nang maganap ang insidente sa rebel checkpoint sa Sitio Mangob, Barangay Imelda sa bayan ng Laak.

Nabatid na dadalawin lamang ni Culangco ang nobya sa Barangay Mangloy habang napadaan lamang si Pasion sa lugar.

Ayon kay Obligado, ilan sa mga rebelde ay naksuot ng military uniform.

Hindi naman naestablisa kung paano nakapagkasa ang mga rebelde ng checkpoint sa nasabing lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply