Dyip tumagilid, 14 sugatan

emergency-2

TINATAYANG 14 katao ang nasugatan makaraang maaksidente ang Bugo liner jeep sa Brgy. Cugman sa Cagayan de Oro City kagabi.

Nasugatan sina Irene Deramas, Ronald Lesmanos, Rodney at Jermin Oliveras, Anna Maria Ompoc, Keza Jane Ompoc, Bernard Macanip, Rene Ponce, Romnick Lantago, Jerome Bulontawlo, Allan Limbago at Loremae Camino.

Nabatid na minameneho ni Roel Canesia ang Bugo lines nang bumangga ito sa center island at tumagilid ito.

Kasalukuyan namang ligtas na ang mga biktima na isinugod sa Northern Mindanao Medical Center.

Habang nasa kritikal na kondisyon si Canesia na nagtamo ng maraming sugat at pasa sa katawan.

Sinasabing nasa impluwensiya ng alak ang driver nang maganap ang aksidente.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply