E-Painters binaon sa 0-3

yeng-guiao

MAHIRAP bumangon mula sa 0-3 subalit ayon kay Rain or Shine Elasto Painters coach Yeng Guaio ay pipilitin nilang saltohin ng bahagya ang naka-abang na selebrasyon ng Talk ‘N Text Tropang Texters.

Sinaltik ng Tropang Texters ang Elasto Painters, 89-80 kagabi sa Game 3 ng nagaganap na PBA Philippine Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum upang ilista ng T’NT ang 3-0 bentahe.

Abante ng siyam na puntos ang E-Painters sa third canto, 70-61 subalit muling nagbida sina Jayson Castro, Ranidel De Ocampo at Jimmy Alapag matapos magpaputok ng crucial na tres upang hawakan muli ng Tropa ang unahan, 76-82 may tatlong minuto na lang ang nalalabing oras sa payoff period.

Sa Miyerkules ilalarga ang Game 4 ng best-of-seven series at malalaman kung makaka-ukit ng historya ang defending champion Talk ‘N Text.

Namumuro ang Texters sa kanilang pangatlong sunod na All-Filipino tilt at pagkakataon ng Tropa ni coach Norman Black na tapatan ang ginawa ng Crispa noong 1979, 1980 at 1983 na nagkampeon sa nasabing conference.

Samantala, mula nang itatag ang pro league noong 1975, wala pang team na naka­balik mula sa 0-3 deficit sa isang best-of-7 series.

Kaya naman kahit sino ang magkampeon sa TNT at RoS ay pihadong gagawa ng history sa PBA.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply