Early registration ng DepEd umarangkada na

UMARANGKADA na ngayon araw ang “Nationwide Early Registration” ng Depatment of Education (DepEd).

Ayon kay Education Secretary Armin Luistro, sampung milyong mga bata ang kanilang inaasahan na magpaparehistro sa mga pampublikong paaralaan sa bansa para sa school year 2013-2014.

Layunin ng early registration na maiwasan ang anumang aberya o pagsisikip sa pagbubukas ng klase sa Hunyo sa mga incoming o papasok na kinder, regular students at para sa mga gustong pumasok sa “alternative delivery models and learning systems”.

Kinakailangan lamang sa pagpaparehistro ang birth-certificate ng batang mag-aaral.

Habang maaari ring magpa-register ang mga street children kahit walang birth certificate.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply