Eduardo Del Rosario uupo na bilang NDRRMC chief ngayong araw

ITE-TURN over na ni outgoing National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Benito Ramos ang kanyang mababakanteng posisyon kay Ret. Maj. Gen. Eduardo Del Rosario ngayong araw.

Sinabi ni Ramos na sa Pebrero 1 pa magiging epektibo ang kanyang resignation ngunit ginawa na niyang leave ang mga natitirang araw.

Magsisimula na sa tungkulin ngayong araw si Del Rosario, na siyang namuno sa binuong Task Force Kalihim na nagsagawa ng search and rescue operations sa bumagsak na eroplanong kinalululanan ni dating Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo noong Agosto 2012.

Nabatid na isasailalim pa sa orientation si Del Rosario bago tuluyang ipaubaya ang operasyon ng NDRRMC.

Matatandaang nitong Enero 8 nang mag-resign si Ramos ara matutukan ang kanyang misis na may sakit na diabetes at upang magkaroon ng oras para sa pamilya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply