Elasto Painters reresbak sa Game 2

ros

PARA hindi mabaon, kailangan ng Rain or Shine Elasto Painters na puminta ng 1 upang itabla ang serye kontra defending champion Talk ‘N Text Tropang Texters.

Nakauna ang Tropang Texters sa Game 1 matapos paluhurin ang Elasto Painters, 87-81 sa Finals ng PBA Philippine Cup kagabi sa Smart Araneta Coliseum.

Pakay ng Elasto Painters na gumanti bukas ng alas 6:45 ng gabi sa Game 2 ng kanilang best-of-seven na gaganapin sa Mall of Asia Arena upang mapalakas ang tsansa na makuha ang ikalawang sunod na titulo.

Nakatingala naman ang Tropa sa pagsungkit ng ikatlong sunod na titulo sa All-Filipino.

Umabot sa 18 ang abante ng TNT subalit hinabol ito ng RoS at idikit sa tatlo 79-76 may 2:34 na lang ang nalalabi sa final period.

Hindi naman hinayaan ng Tropa na maubos ang kanilang ipinundar na lamang kaya sinalpak ni Larry Fonacier ang pamatay na tres upang magbunyi ang mga fans at manlata naman ang Painters.

Tumipa ng tig-16 puntos sina Jayson Castro at Ranidel De Ocampo habang ang best player na si Jared Dillinger ay bumakas ng 13 points para sa Tropa.

May 10 for 27 (37%) sa labas ng arc ay Tropang Texters kumpara sa 4 for 21 (19%) ng Painters.

Tig-siyam naman ang inambag nina Fonacier at Jimmy Alapag.

Si Jervy Cruz naman ang nanguna sa opensa para sa RoS ng tumikada ito ng 13 points habang sinundan siya ni Paul Lee na may 11 puntos.

Samantala, liyamado ang TNT ng tanungin ang mga coaches ng ibang koponan.

Parehong pumabor sina San Mig Coffee Mixers coach Tim Cone, Meralco Bolts coach Ryan Gregorio, Global Port Batang Pier mentor Junel Baculi at Luigi Trillo ng Alaska Aces sa kakayahang magkampeon ng TNT.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply